Katring, lumalakas pero malayo pa sa bansa para makaapekto - Pagasa

MANILA, Philippines - Lumalakas ang bagyong Katring  habang patuloy ang pagkilos sa may hilaga hila­gang kanluran.

Gayunman, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  na si Katring ay malayo pa para makaapekto sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ganap na alas 11 ng umaga kahapon, namataan ng PagAsa si Katring sa layong  810 kilometro silangan ng  Northern Luzon taglay ang lakas ng hanging  75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang  90 kilometro bawat oras

Si Katring ay kumikilos sa hilaga hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras .

Ngayong Martes ng umaga, si Katring ay inaasa­hang nasa layong 720 kilometro silangan ng Northern Luzon at nasa layong 660 kilometro silangan hilagang silangan ng Northern Luzon ng Miyerkules at nasa layong 700 kilometro hilagang silangan ng Northern Luzon sa Huwebes ng umaga.

Show comments