Land industry stakeholders kapit-kamay vs fake titles
MANILA, Philippines - Nagka-isa ang ibat ibang land industry stakeholders upang sugpuin ang laganap na pagkalat ng mga pekeng titulo sa lupa at upang masiguro na mas magiging mabilis ang land registration process sa katatapos na Land Registration Authority (LRA) summit na may temang “Challenges in Transition” Technology and Re-engineered Business Process.”
Kabilang sa mga nagsidalo sa ginanap na summit na pinangunahan ng LRA ay ang iba’t ibang grupo sa banking industry, realtors associations, PAG-IBIG at DENR.
Sa keynote speech ni LRA administrator Eulalio Diaz III, pinuri nito ang magandang partnership ng private at public stakeholders kung kaya mas episyente at reliable ang land registration process, aniya plano ng LRA na magkaroon ng regular meeting ang mga various sectors sa land industry upang ipromote ang economic growth.
Tiniyak din ni Diaz na maisusulong ang agarang computerization ng LRA upang tuluyan ng mawala ang mabagal at mahirap na land registration process at ang idinaos na summit ay napapanahon umano para sa computerization project ng kanilang ahensiya.
- Latest
- Trending