Ayuda ng US sa 'Juan' victims tinaasan
MANILA, Philippines - Tinaasan ng pamahalaang Estados Unidos ang inilaang ayuda o tulong sa Pilipinas para sa mga nasalanta ng bagyong Juan.
Ayon kay U.S. Ambassador to Manila Harry K. Thomas Jr. ng U.S. Embassy sa Maynila, daragdagan ng $800,000 ang disaster relief assistance ng US mula sa naunang $100,000 na kanilang inilaan para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Juan.
Ayon kay Thomas, ang nasabing pondo na ibibigay sa Pilipinas ay magmumula sa Office of the US Foreign Disaster Assistance (OFDA) ng U.S. Agency for Interntional Development (USAID).
“Let me applaud the excellent preparation, prompt response and on-going effectiveness the Philippine authorities have demonstrated in anticipating and responding to typhoon Juan. Their efforts saved lives,contained damages, and facilitated quick support to the typhoon’s victims. Our military played discrete role in helping to transport the tons of relief supplies gathered by national, provincial and local authroities,” ani Thomas.
- Latest
- Trending