P-Noy boboto sa Tarlac

MANILA, Philippines - Muling pipila si Pangulong Noynoy Aquino para bumoto ngayong umaga sa barangay elections sa kanyang bayan sa Tarlac City.

Maagang boboto ang Pangulo sa precinct 175-A ng Central Azucarera Elementary School sa San Miguel, Tarlac.

Hinikayat niya ang taumbayan gayundin ang kabataan na bumoto sa araw na ito para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ipinaalala ni Aquino ang kahalagahan ng bawat boto ng bawat isa dahil mahalagang marinig ang tinig ng bawat botante sa magiging lider ng kanilang barangay.

Inaasahan na matapos bumoto ang Pangulo ay balik-trabaho na ito sa Malacañang kahit holiday bilang paghahanda sa pagdalo niya sa ASEAN Summit meeting sa Hanoi, Vietnam.

Bukod sa mga ASEAN leaders ay inaasahang makakapulong din ng Pa­ngulo ang China, Korea at US.

Ngayon itutuloy ni Pa­ngulong Aquino ang kanyang state visit sa Vietnam. Inaasahang babalik ito sa bansa sa Nov. 1 upang du­malaw naman sa puntod ng kanyang magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park.

Show comments