^

Bansa

Toll hike ng SLEX malabo pa ngayon taon

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na hindi pa mapapasan ng mga motoristang dumadaan sa South Luzon Expressway (SLEX) ang ipa­tutupad na 300% pagtaas sa toll fee ngayong taon.

Ito ay makaraang iha­yag ni Julius Corpuz, spokesman ng Toll Re­gulatory Board (TRB) na “back to zero” ang gagawing pagrebisa ng kanilang tanggapan sa ipatutupad na toll fee increase sa SLEX.

Aniya, marami pang aspeto ang hindi naisama sa pag-uusap at kinakailangan na sumunod sa direktiba ng Supreme Court, kung kaya hindi pa nila masasabi kung kailan ito maipatutupad.

Kaugnay nito sinabi naman ni Alma Tuazon, spokesperson ng South Luzon Toll Company na kinakapos na ng may P3.1 milyon expenses kada araw ang kanilang kompanya para mamintine ang expenses sa SLEX.

Samantala, kukuwes­tiyunin pa rin ng grupong PISTON ang anumang maging desisyon ng TRB dahil hindi umano dumaan sa proseso ang “negotiated contracts” na isinagawa sa pagitan ng investor at gobyerno.

ALMA TUAZON

ANIYA

JULIUS CORPUZ

KAUGNAY

MALAKI

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTH LUZON TOLL COMPANY

SUPREME COURT

TOLL RE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with