Eleksiyon uulanin - PAGASA

MANILA, Philippines - Maaaring makaranas ng pag-ulan ang magaganap na Barangay at Sanguniang elections sa ilang parte ng Luzon at Visayas ngayon bunga ng buntot ng bagyong Juan.

Ayon sa PAGASA, bagama’t unti-unting lumalapit sa Luzon ang bagyong Katring, hindi pa rin ito ang nakaka-apekto sa pagkakaroon ng pag-ulan sa bahagi ng Luzon. Ang ulang mararanasan ay ang remnants ng nagdaang bagyo at maasahan ito sa loob ng 24 na oras.

Patuloy naman ang monitoring ng PAGASA sa galaw ni “Katring” kung ito ay magla-landfall sa Northern Luzon.

Base sa weather sa­tellite ganap na alas-5 ng umaga, si Katring ay nasa layong 1,090 kilometers sa East ng Central Luzon.

May taglay na lakas si Katring na 55 kph malapit sa gitna at inaasahang tutulak patungo sa west-southwest sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, ang Luzon at Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may manaka-nakang pag-ulan at pagkulog.

Kaya naman para sa mga boboto ngayon, paalala ng PAGASA magdala pa rin ng pananggalang sa ulan tulad ng payong o kapote.

Show comments