^

Bansa

'HOPE' hangad sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Hangad ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagkakaroon ng Honest, Orderly and Peaceful Election (HOPE) sa darating na halalan ng barangay at Samahang Kabataan (SK) sa Lunes.

Kasama ni Echiverri sa hangaring ito ang Parish Pastoral Council for Res­ponsible Voting (PPCRV) at ang iba’t-ibang sektor ng lipunan nang sa gayon ay maging mapayapa at maayos ang gaganaping eleksiyon.

Kasabay nito, inatasan na rin ng alkalde ang lokal na pulisya na dagdagan ang isinasagawang checkpoints sa iba’t-ibang lugar sa buong lungsod upang mahuli ang mga gustong manggulo sa nalalapit na halalan.

Maging ang mga tauhan Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ay tutulong din sa pagpapanatili ng kaayusan.

Ayon kay Echiverri, hindi niya papayagan na may gumawa ng kalokohan para lamang manalo.

Samantala, sa naging talaan ni Northern Police District (NPD) director, Sr. Supt. Edgardo Ladao, walang anumang lugar sa 188 barangays sa Caloocan City ang maitutu­ring na “hotspot”.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

EDGARDO LADAO

NORTHERN POLICE DISTRICT

ORDERLY AND PEACEFUL ELECTION

PARISH PASTORAL COUNCIL

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

SAMAHANG KABATAAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with