Toll hike iaapela
MANILA, Philippines - Posibleng maipatupad na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang dagdag singil sa lahat ng expressway sa bansa kahit may naka-pending pang apela laban sa toll increase.
Ito ang paglilinaw ng Korte Suprema sa 75-pahinang desisyon sa kaso ng kinukwestiyong legalidad ng toll system at toll rate hike sa North Luzon Expressway (SLEX), South Luzon Expressway (NLEX) at South Metro Manila Skyway.
Nakasaad sa desisyon na hindi maaring pigilan ang apela ng implementasyon ng bagong toll rate base na rin sa isinasaad ng Presidential Decree no. 1112.
Sakop ng desisyon ang toll rate hike hindi lang sa SLEX, kundi sa NLEX at Skyway.
Iginiit pa ng Mataas na hukuman na premature na kwestyunin sa korte ang halaga ng toll increase partikular na sa SLEX at sa halip ay ibinalik ang usapin sa TRB upang sumailalim sa review.
Una ng iginiit ng SLEX na ang bagong toll rate ay hindi dagdag singil kundi initial o opening rates para sa mas pinagandang SLEX.
- Latest
- Trending