'Katring' darating ngayon
MANILA, Philippines - Kung hindi magbabago ng direksiyon inaasahan ang pagpasok sa bansa ngayong umaga ng tropical depression “Katring”.
Ayon kay Boy Soriaga, weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PagAsa) si Katring ay namataan kahapon sa layong 470 kilometro ng Pacific Ocean at kumikilos sa kanlurang bahagi sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Sinabi ni Soriaga na malaki ang posibilidad na maging ganap itong bagyo at pumasok sa Philippine area of responsibility subalit itinanggi naman nito na maaari itong maging super typhoon na katulad ng bagyong Juan.
Idinagdag pa ni Soriaga na ang nararanasang pag-ulan sa kasalukuyan sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila ay epekto ng paglisan ng super typhoon Juan.
Matinding hinagupit ng bagyong Juan ang Hilagang Luzon na puminsala sa maraming agrikultura at ari-arian sa naturang rehiyon.
Tinatayang aabot sa 26 katao ang iniulat na nasawi sa pananalasa ng bagyo at puminsala sa P7 bilyong ari-arian.
- Latest
- Trending