^

Bansa

'Ping sumuko ka na' - Gringo

- Nina Malou Escudero at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos lumutang ang balita na balak magbigay ng reward ng Department of Justice sa sinumang makakapagturo sa kina­roroonan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, muling hinimok ni Senator Gringo Honasan ang kaniyang mistah sa Philippine Military Academy na lumantad na at harapin ang Dacer-Corbito double murder case.

Bilang kaibigan at kaklase, sinabi ni Honasan na napapanahon na upang lumantad si Lacson dahil naniniwala siyang magi­ging parehas ang korte at hustisya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Matatandaan na ipinahayag ni DOJ Secretary Leila de Lima na liliit ang mundo ni Lacson dahil sa plano nilang magtakda ng pabuya o reward para sa makakapagturo sa senador.

Balak din umano ng DOJ na magbuo ng isang task force na tutugis kay Lacson.

Nauna nang kinansela ng Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni Lacson na halos siyam na buwan nang hindi nagpapakita sa Senado.

Noong hindi pa nag­tatago si Lacson, inakusahan nito ang kampo ni dating Pangu­long Gloria Arroyo na ‘political harassment’ ang pagbuhay sa kasong double murder case dahil sa kaniyang mga expose sa gobyerno.

Inirerespeto naman ni Honasan ang desis­yon ng DOJ na maglaan ng reward para sa mga impormate na magiging daan sa pagkaka-aresto ng senador.

Kumpiyansa si Honasan na hindi magbibigay ng iresponsableng pahayag si de Lima kung wala siyang sapat na impormasyon sa posibleng lugar na pinagtataguan ni Lacson.

Sinabi naman ni NBI spokesman Cecilio Zamora na tuloy-tuloy pa rin ang manhunt para kay Lacson at nasa proseso pa lamang ang ahensiya ng validation ng mga impormasyon sa kinaroroonan ng Senador.

Iginiit pa nito na wala pang malinaw na lead kung nandito nga sa bansa nagtatago si Lacson o kung ito ay nakalabas na.

Magugunita na nagpahayag si de Lima na nahihiya siya dahil sa kabila ng matagal ng effort ng gobyerno ay hindi pa rin naaresto si Lacson at hindi pa rin natutukoy ang kinaroroonan nito.

CECILIO ZAMORA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GLORIA ARROYO

HONASAN

LACSON

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SECRETARY LEILA

SENATOR GRINGO HONASAN

SENATOR PANFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with