MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections na hindi na nila palalawigin pa ang campaign period sa kabila ng pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre 25 sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Juan.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, malinaw ang nakasaad sa batas na ang mga kandidato ay pinapayagan lamang na makapangampanya sa loob ng 30 araw.
Ang campaign period ay nagsimula noong Oktubre 14 at tatagal ito hanggang Oktubre 23.
Sa Linggo naman, Oktubre 24 ay paiiralin ang liquor ban at tatagal ito hanggang sa pagtatapos ng halalan sa Oktubre 25.
Una ng inanunsyo ng Comelec ang pagpapaliban sa halalang pambarangay sa mga munisipalidad ng Divilacan, Palanan at Maconacon sa Isabela.
Posible namang mabago ang oras ng botohan sa Isabela, Kalinga at Cagayan.