^

Bansa

Bus binomba: 10 patay!

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sampu katao ang patay habang marami pa ang nasugatan kabilang ang apat na nasa kritikal na kondisyon makaraang sumabog ang itinanim na bomba sa isang pampa­saherong bus sa kaha­baan ng national highway sa Brgy. Dalapitan, Ma­ talam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Anthony Alcan­tara, walo ang dead on the spot sa insidente habang dalawa ang bina­wian ng buhay sa paga­mutan.

Kinilala ang 8 sa na­sawi na sina Romil Es­panola, Brian Galacas, kon­duktor ng Rural Bus Transit na may body number 2284; Tanting Usop Dalidan, Lita Mansano, 59; Slornie Belong, Camino Abson, Adam Guimid, Guaria Duad at dalawang hindi pa kilala.

Kritikal sina Norleilah Akmad, 21; Julius Pasi­gua; isang di kilalang babae na nakasuot ng kulay itim na t-shirt; Lita Mansano, 59.

Sugatan din sina Jo­vencio Estrada,37; Rosel Fajardo, 26; Flornie Pres­cion, Von Wilfred, Aneg Mosquera, 16; Christian Alabado, 19.

Ayon sa report, alas-10:30 ng umaga ng ma­ganap ang insidente. Ang bus na tinatayang may lulang mahigit 30 katao ay patungong Tacu­rong City, Sultan Kudarat galing sa Cagayan de Oro City.

Sumakay umano sa Kabacan ang tatlong hini­hinalang bombers at nag­sibaba pagsapit sa national highway. Ilang saglit pa ay isang malakas na pag­sabog ang umali­ngaw­­ngaw.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na ang bomba ay inilagay sa ikatlong upuan sa hulihang bahagi ng naturang bus.

Wala pang natutukoy na suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Ang Alkhobar at Abu Sofia ang mga umano’y grupo na kilalang na­sangkot sa mga insi­dente ng pambobomba sa mga pampasaherong bus sa Central Mindanao parti­kular noong 2006 at 2007.

ABU SOFIA

ADAM GUIMID

ANEG MOSQUERA

ANG ALKHOBAR

ANTHONY ALCAN

AYON

BRIAN GALACAS

CAMINO ABSON

LITA MANSANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with