MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ng Jan de Nul NV at ng magkapatid na Jan De Nul at Dirk de Nul na nahatulan sila dahil sa kasong korupsyon noong 2002 ng Correctional Court of Dendermonde.
Bukod sa korupsyon, hindi din umano sila nahatulan ng panunuhol sa tax inspector kapalit ng kabayaran dahil sa fraudulent tax returns sa anumang korte sa Belgium.
Sinabi ng abogado ng magkapatid na de Nul, mariing itinatanggi ng dalawa ang lumabas na artikulo na may titulong “Belgian excutive guilty” na nalathala noong Setyembre 22, 2010
Katunayan ang Jan de Nul NV umano kabilang ang mga subsidiaries nito sa Pilipinas ay kabilang sa malalaking tax payers sa bansa.