PAGASA pinuri ni P-Noy
MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ni Pangulong Noynoy Aquino ang Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA) gayundin ang lahat ng Gabinete nito dahil sa ginawang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Juan kamakalawa.
Sinabi ni Pangulong Aquino, kahit hindi naabot ang zero casualty na target ng gobyerno ang maagang pagbibigay ng impormasyon ng PAGASA gayundin ang mabilis na aksyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (MDRRC) ang naging dahilan kaya naging minimal ang casualty sa pananalasa ng pinaka-malakas na bagyo.
Ayon pa sa Pangulo, ang pagbibigay ng hour by hour update ng PAGASA ay malaking tulong upang mabatid ng publiko ang nagiging galaw ng bagyo katuwang na rin ang mabilis na pagtugon ng NDRRMC para abisuhan ang mga mamamayan sa posibleng magiging dulot ni Juan.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa mabilis at sama-samang pagtugon ng ibat ibang sector.
- Latest
- Trending