MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan sa Court of Appeals (CA) na alisin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga akusado sa naganap na November 23,2009 massacre.
Sa 43-pahinang memorandum na inihain ng abogado ni Ampatuan na si Atty. Redemberto Villanueva, hiniling nito sa Appellate court na katigan ang kanyang nakaraang petition kung saan nakasaad na nagkamali si dating Justice Secretary Alberto Agra na panatilihin siya bilang akusado sa kasong multiple murder.
Iginiit din ng abogado na ang testimony ng testigong si Kenny Dalandag ay hindi sapat upang idawit si Ampatuan sa malagim na massacre na itinuturing din na pinakamalalang political violence sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nalabag din umano ang constitutional rights to due process ni Ampatuan ng mag isyu si Agra ng resolution na base sa ebidensya na wala naman sa bahagi ng record ng preliminary investigation at huli nang naisama sa record subalit hindi naman alam ng petitioner.
Kinondena din ni Villanueva ang prosecution panel sa pangunguna ng OSG dahil sa umanoy mabagal na paghahain ng kaukulang pleadings.
Kaagad din umano nilang hiniling ang mabilis na pagresolba sa kaso.