HGC dapat gisahin sa mga transaksyon - Rep. Herrera
MANILA, Philippines - Isang malawakang imbestigasyon ang isasagawa ng House Committee on Housing and Urban Development sa Kongreso tungkol umano sa maanomalyang transaksyon na pinasok ng Home Guaranty Corporation na ikinalugi ng milyun-milyong halaga ng gobyerno.
Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, ang sinasabing transaksyon na pinasok ng HGC ay naglagay sa gobyerno sa dehadong posisyon.
Sinabi ni Herrera, napag-alaman sa ulat ng Commission on Audit (COA), noon pang 2002 sinasabing sangkot sa mga anomalya ang ahensiya sa pagbebenta ng mga lupang pag-aari ng gobyerno.
“The COA alleged that the losses were due largely to mismanagement by HGC officials – mainly sale of corporate properties way below market prices,” wika pa ng kongresista.
Ayon kay Herrera aydapat busisiin ng husto ang maanomalyang pagbebenta umano ng 2.8 ektaryang lupa na pag-aari ng gobierno sa Vitas, Tondo, Manila, sa La Paz Milling Corporation ng P384,715,800.00 o may P13,000.00 per square-meter, na sinasabing mas mababa sa actual fair market value na P506,205,000.00 at P694,224,000.00.
Idinagdag pa nito, ang La Paz Milling ay pag-aari ng isang Alfonso Uy Gongco, na sinasabing kabilang sa ‘overpricing ng flour’ may ilang taon na ang nakakaraan.
- Latest
- Trending