12 pulis-Caloocan pinarangalan

MANILA, Philippines - Binigyan ng parangal ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang 12 miyembro ng lokal na pulisya dahil sa paglutas ng mga ito ng mga kasong ipinaubaya sa kanila.

Kinilala ang mga nasabing pulis na sina Sr. Insp. Arnel Esmaña, SPO1 Guillermo Ramos; PO3 Albert Juanillo, PO1 Danilo Malana at PO1 Richard Colobong na nakahuli sa isang kilabot na holdaper na nakilalang si Dennis Mejia.

Pinarangalan din sina Insp. Ernesto Palting; SPO1 Lunbell Casungcad; SPO1 Rondante Javier; PO3 Marvin San Juan; PO2 Samuel Sonny Garcia; PO1 Romeo Lanada at PO1 Bryan Ong na nakahuli naman sa tauhan ng Navotas City Police na si PO2 Harold Young na kinasuhan ng live-in partner nito dahil sa pananakit.

Ayon kay Echiverri, nararapat lamang na bigyan ng pagkilala at parangal ang mga nabanggit na pulis upang lalo pang sipagin ang mga ito sa paglutas sa kasong kanilang hinahawakan.

Show comments