6 Pinoy sa Afghan crash iuuwi na
MANILA, Philippines - Pinamamadali na ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang pagpapauwi sa mga labi ng anim na Pinoy na nasawi sa cargo plane crash sa Afghanistan noong Oktubre 13.
Bagaman sinasabing ilegal na nakapunta sa Afghanistan dahil sa umiiral na deployment ban ng pamahalaan, kinumpirma ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon na mga miyembro ng OWWA ang anim kaya makakatanggap sila ng mga benepisyo bilang members kabilang ang P200,000 accidental death at P20,00 burial expenses.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Capt. Henry Beltran Bulos, 45, kapitan; Rene Estrada Badilla, 57, first officer; Nilo Timpug Medina, 41, loadmaster; Wilo Montemar Elbanbuena,43, flight engineer; Bernardo Gabayan Castillo, 46, aircraft mechanic; at Eduardo Pagtolon-An Padura, 55, aircraft mechanic.
- Latest
- Trending