Truth Commission mag-iimbestiga na
MANILA, Philippines - Magsisimula ng mag-imbestiga ang Truth Commission kung saan 23 kasong katiwalian sa ilalim ng nakaraang administrasyon ang kanilang sisiyasatin.
Sinabi ni retired Chief Justice Hilario Davide Jr., chairman ng Truth Commission, kabilang sa kanilang iimbestigahan ang NBN-ZTE deal, fertilizer fund scam at C-5 road controversy.
Ayon naman kay Comm. Carlos Medina, iimbestigahan ang C-5 road kahit hindi sangkot si dating Pangulong Arroyo dahil ito ay naganap din sa nakaraang administrasyon.
Gayunman, hanggat walang desisyon ang Supreme Court sa constitutionality ng komisyon ay hindi sila makakapagsagawa ng pagdinig. Pero ayon sa SC, kahit wala pa silang desisyon ay hindi nito pipigilin na magsimula na ang trabaho ng komisyon.
Binuo ang Truth Commission ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng Executive Order no. 1 kung saan ang mga miyembro ay sina retired Supreme Court Associate Justice Romeo Callejo Jr., retired SC Associate Justice Flerida Ruth Romero at former Ateneo Law School professor Menardo Guevarra.
- Latest
- Trending