Noy inisnab ang anibersaryo ng Senado
MANILA, Philippines - Inisnab ni Pangulong Aquino ang pagdiriwang ng ika-94 anibesaryo ng Senado kamakalawa ng gabi dahil hindi umano siya inimbitahan.
Nasa Luzon Room ng Sofitel Hotel ang Pangulo na dumalo sa 87th birthday party ni dating Pasay City Mayor Eduardo Calixto samantalang nasa katabing kuwarto lamang sa Mindanao Room ang mga senador.
Pero nang umalis ang Pangulo dakong 8:15 ng gabi, hindi man lang nito sinilip ang mga dating kasamahang senador. May tatlong taon pa siyang natitira sa Senado kung hindi nahalal na pangulo ng bansa.
Nang makorner ng mga reporter, tatlong dahilan ang ibinigay ng Pangulo. Hindi umano siya inimbitahan; magtutungo pa siya sa burol ng anak ni Sonia Roco; at pabiro niyang sinabi na ini-invoked niya ang separations of powers ng executive at legislative.
- Latest
- Trending