^

Bansa

Mandatory drug testing sa drivers license inutil, aalisin na lang

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dahil wala namang nahuhuling drug user, pinaboran ng mga  law enforcers ang panukalang alisin na lamang ang mandatory drug testing para sa mga kumukuha at nagre-renew ng kanilang driver’s license.

Maging si Majority Floor Leader  Vicente “Tito” Sotto III na nagsusulong ng pagsugpo ng mga ilegal na droga sa bansa ay naniniwalang inutil ang nasabing mandatory drug testing sa mga drivers sa pagkuha ng kanilang lisensiya.

“It does not works. Wala naman napapala dun, wala namang nahuhuling positive dun tapos nagbabayad pa tayo ng 300 at mga drivers gaya ng transport group talagang nirereklamo nila yun,” ani Sotto sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs.

Pumabor sa nasabing panukala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB), PNP at Department of Health.

Bagaman at gustong tanggalin ni Sotto ang drug testing sa pagkuha ng driver’s license dahil wala namang nahuhuling users, isinusulong naman nito ang panukalang batas na isailalim sa mandatory drug testing ang mga drivers na masasangkot sa aksidente.

Nais din ni Sotto na isailalim sa buwanang drug test ang mga drivers ng bus at dapat umanong sagutin ng kanilang mga Kapag nagpositibo sa paggamit ng droga, maaring kasuhan ang isang driver ng paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act. Of 2001.

BAGAMAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUG

DRUG ACT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

MAJORITY FLOOR LEADER

SENATE COMMITTEE

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with