DILG hindi inaalok kay Verzosa
MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Malacañang na walang iniaalok na posisyon si Pangulong Aquino kay dating PNP chief Jesus Verzosa.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa phone patch interview, walang katotohanan na kaya inabswelto ni Pangulong Aquino sa reviewed Incident Investigation and Review Committee report si Verzosa ay dahil balak nitong bigyan ito ng posisyon.
Wika pa ni Sec. Lacierda, hindi inaalok ng pagiging DILG secretary si Verzosa upang ipalit kay DILG Jesse Robredo.
Aniya, ibinatay ng legal team sa mga ebidensiya ang naging rekomendasyon nito sa Pangulo.
Samantala, sinabi din ni Lacierda na nauunawaan ng Palasyo ang nagiging sentimyento ng Hong Kong kaugnay sa nirebisang IIRC report.
Hinihintay na lamang ng high-level team sa pamumuno ni Vice President Jejomar Binay ang inaayos na schedule ni Chinese Ambassador Liu Jianchiao upang dalhin nito ang kopya ng IIRC report sa Chinese government at Hong Kong.
- Latest
- Trending