^

Bansa

20 Pinoy seamen dinukot sa Kenya!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga piratang Somali ang may 20 tripulanteng Pinoy na sakay ng hinayjack nilang Panama-flagged merchant vessel noong Lunes sa karagatang sakop ng Ken­ya.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs, ang 20 Pinoy ay inatake ng mga armadong Somali habang lulan ng barkong MV Izumi nang mapadaan sa karagatan ng Mombasa sa Kenya.

Ayon sa European Union Naval Force Somalia, agad na nagpadala ng Danish warship sa lugar upang magresponde at mag-imbestiga nang makapagbigay ng distress signal noong Lunes ang kapitan ng MV Izumi  na may bigat na 20, 170 tonelada.

Kabilang na rin sa nagmomonitor ang French warship FS Floreal sa tinangay na barko may 170 nautical miles sa katimugan ng Mogadishu.

Ang nasabing barko ay pag-aari ng Japanese shipping company NYK-Hinode Line Ltd., at patungo na sa Singapore mula Mimi­tsi Port sa Tokyo nang ma­sa­bat ng mga pirata na kumikilos sa karagatan ng Mombasa. 

Base sa rekord, may 17 barko ang hawak ngayon ng mga Somali pirates sakay ng may 369 hostages.

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DINUKOT

EUROPEAN UNION NAVAL FORCE SOMALIA

HINODE LINE LTD

IZUMI

KABILANG

MOMBASA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with