Budget ng Hudikatura lusot na sa Senado
MANILA, Philippines - Lumusot na kahapon sa Senado ang panukalang P14.3 bilyong budget ng hudikatura.
Kinatigan ng Senado ang ibinawas na mahigit sa kalahati ng hinihinging badyet ng Hudikatura sa Kongreso matapos matuklasan na marami pang salaping naipon ang Supreme Court (SC) na hindi pa nagagastos.
Hiniling naman ni Sen. Franklin Drilon kay Court Administrator Jose Midas Marquez na magsumite ng detalyadong data sa Senado hinggil sa mga natitirang pondong hindi nagagamit ng SC.
Natuklasan na may natitira ang hudikatura na P236.7M pondo mula sa Special Allowance for Judges (SAJ) at Judiciary Development Fund (JDF) bukod pa sa P815.2M na natira sa gastusin para sa maintenance and operating expenses at capital outlay noong 2008.
Nasa P5 bilyon din umano ang natipid ng Hudikatura dahil umaabot lamang sa 1,434 posisyon ang napunan mula sa 2,307 posisyon na pinaglalaanan ng P14.3 bilyong badyet na hinihingi ng Hudikatura.
Humihingi sana ang Hudikatura ng halagang P27.1 bilyong badyet para sa 2011, pero kinaltasan ito ng Department of Budget and Management at ginawang P14.3 bilyon.
- Latest
- Trending