2 general sa hostage, 2 pa hindi sususpindihin ng PNP
MANILA, Philippines - Hindi magi-isyu ng suspension order ang Philippine National Police (PNP) laban sa apat nitong opisyal kabilang ang dalawang heneral na inirekomenda ng Malacañang na litisin sa kasong administratibo kaugnay ng pumalpak na rescue operation sa hostage crisis sa Quirino grandstand noong Agosto 23 na ikinasawi ng 8 turistang taga Hong Kong at ng hostage-taker.
Sinabi ni PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., bagaman may kapangyarihan silang magsuspinde ng mga opisyal ay hihintayin muna ng PNP ang kautusan ng National Police Commission (NPC) na siyang may hurisdiksyon sa pagpapataw ng kaparusahan sa mga pumapalpak na opisyal at miyembro ng pambansang pulisya.
Kabilang sa nasabing mga opisyal sina NCRPO Chief P/Director Leocadio Santiago, Manila Police District Supt. Rodolfo Magtibay, Supt. Orlando Yebra na namuno sa sablay na negosasyon at Chief Insp. Santiago Pascual III, pinuno ng SWAT team na nagsagawa ng assault operation.
- Latest
- Trending