^

Bansa

Lady trader nagpasaklolo sa NPC

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nakatakdang mag­tungo ngayon at humingi ng tulong kay National Press Club (NPC) President Jerry Yap ang isang babaeng negosyante dahil umano sa panggigipit ng isang tabloid reporter at columnist.

Sa isang media interview sa Maynila kahapon, hinihiling ni Cristina Lu, isang importer, at kanyang abogado na makausap si NPC President Yap nga­yong araw na ito dahil ayaw umano siyang tigilan ng kolumnista.

Sabi ni Lu, hindi na niya matiis ang paghihirap ng kanyang kalooban dahil idinawit pa ng kolumnista ang kanyang asawa’t-anak. “Below the belt na ang kanyang ginagawa, kaba­ bae ko pa namang tao. Kuwarta lang naman ang gusto niya,” bulalas ni Lu.

Iniha­handa na ni Lu ang demandang “attemp­ted robbery-extortion.”

Giit niya, hindi kilala bilang lehitimong reporter o kolumnista sa Bureau of Customs beat ang kolum­nista.

Tinuran lamang ni Lu na ang kolumnista ay naki­lala sa taguring “Mansanas & Chocolates King” ma­tapos ang isa niyang extortion attempt na nabulilyaso at una na ring naaresto ng NBI.

BUREAU OF CUSTOMS

CHOCOLATES KING

CRISTINA LU

GIIT

INIHA

KUWARTA

NATIONAL PRESS CLUB

PRESIDENT JERRY YAP

PRESIDENT YAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with