^

Bansa

Paghuhukay sa Pasig river tapos na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinikayat ng kum­panyang Belgian na Bag­gerwerken Decloedt & Zoon (BDZ) ang mga resi­dente ng Metro Manila at yaong mga naninirahan sa Marikina Watershed na panga­la­gaan ang Ilog Pasig upang mabawasan ang siltation at mabuhay itong muli.

Nagpayo ang BDZ noong Sabado ng gabi, nang pormal na matapos nito ang dredging ng 17-kilometrong haba ng ilog at ipagkaloob na sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang pro­yekto sa isang seremonya sa Makati Park malapit sa Guadalupe Ferry Station.

Ayon sa mga opisyal ng BDZ, sa proyektong na­tapos ng una ng dalawang buwan sa itinakdang pa­nahon, nakarekober ang kumpanya ng 2.5 milyong cubic meters ng silt mula sa ilog at napalalim ito upang makaraan ang mga mala­ laking bangka at barges.

Ang mas malalim na Ilog Pasig ay kinakaila­ngan upang madagdagan ang water holding capacity nito at mabawasan ang pag­baha sa Kalakhang Maynila.

Ang BDZ ay siya ding kumpanya na nagpanu­kala at nagplano ng dredging project para sa 94,900-ektaryang Laguna Lake, isang catch basin na kailangang mapalalim upang malunasan ang pagbaha sa National Capital Region (NCR), Laguna at karatig na lalawigan.

Nagpasalamat ang BDZ sa DENR at mga local government officials sa pagsuporta sa proyekto, na binigyan ng tulong pi­nan­syal ng pamalaan ng Belgium.

GUADALUPE FERRY STATION

ILOG PASIG

KALAKHANG MAYNILA

LAGUNA LAKE

MAKATI PARK

MARIKINA WATERSHED

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with