^

Bansa

Scholarships, libro pamalit sa K+12

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Posible umanong du­mami ang mga batang hindi makakapag-aral dahil sa isinusulong na K+12 program ng Department of Education.

Ayon kina Manila Crusaders for Peace and Democracy (MCPD) president Ben Perez at Citizens’ Crusade for Peace and Pro­ gress (CCPP) president John Dee, kontra ma­hirap at malaking kalo­kohan ang pagpupumilit ng karag­dagang dalawang taon sa elementary at high school.

Ayon kay Perez, hindi lahat ng bata ay nakaka­tapos ng high school dahil sa kakapusan ng pondo ng kanilang mga magulang.

“Sa K plus 12, karag­dagang dalawang taon ng baon, uniporme, pama­sahe, school supplies at iba pang pangangailangan para sa bata. Hindi ito popondohan ng Gobyerno. Kung walang pagkukunan ang mga magulang, pa­ano,” ayon kay Perez.

Sinabi rin ni Dee, na anuman ang itayo o bilihin nila para sa K plus 12 ay walang silbi kung mas kaunti o walang estud­yanteng gagamit ng mga ito dahil lamang sa hindi na kaya ng kanilang mga ma­gulang ang karag­da­gang gastos pang-iskuwela.

“Ang mahigit P60 billion na gagastusin sa K plus 12 ay sapat na para sa ilam­pung libong iskolarship para sa mga batang mahi­hirap o sa libu-libong ka­kulangan sa libro na Gob­yerno na mismo ang nag­sasabi,” ayon kay Dee.

“Anong klaseng tra­baho — messenger, janitor? Mga professional ang hinahanap ng mga kum­panya at hindi lamang high school graduate. College education ang kailangan ng mga bata, hindi dagdag na dalawang taong pa­hirap para sa kanilang mga magulang,” tugon nila sa sinabi ni DepEd Sec. Armin Luistro na sa K plus 12, mas magi­ging madali sa mga bata ang makahanap ng tra­baho pagkatapos ng high school.

ARMIN LUISTRO

AYON

BEN PEREZ

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOHN DEE

MANILA CRUSADERS

PEACE AND DEMOCRACY

PEACE AND PRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with