Anak ni FPJ, bagong MTRCB chief
MANILA, Philippines - Dahil sa nakuhang exemption mula sa Commission on Elections (Comelec) appointments ban ay nagtalaga si Pangulong Aquino ng ilang ‘kakampi’ sa mga bakanteng puwesto sa gobyerno.
Una sa kanyang in-appoint ang anak ng yumaong action king Fernando Poe Jr. na si Grace Poe-Llamanzares bilang bagong chairperson ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB.
Itinalaga rin ng Pangulo sina Joseph Peter Sison bilang pangulo ng National Home Mortgage Finance Corporation; film director Emmanuel Borlaza bilang vice-chairman ng MTRCB; ang Liberal Party deputy-secretary general na si Jose Martin Luis “Chito” Gascon bilang board member ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at Nestor Palabyab bilang deputy executive director ng Philippine Trade Training Center.
- Latest
- Trending