Checkpoint sa barangay ilalatag ng PNP
MANILA, Philippines - Maglalagay na rin ng checkpoint ang Philippine National Police (PNP) sa bawat barangay sa bansa bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz, kung dati ay nakatuon lamang ang checkpoint sa mga kalsada, ngayon ay ipatutupad din ang 24-oras na checkpoint sa mga kalsada sa barangay para mamanmanan ang seguridad ng mga mamamayan laban sa posibleng karahasan sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidatong tatakbo sa naturang halalan.
Ipinag-utos na rin ni PNP chief Director Raul Bacalzo sa Regional Directors at Provincial Directors na makipag-dayalogo sa mga government organization para matiyak ang katahimikan nito.
Malimit anya na sa mga kandidato nagsisimula ang sigalot, dala na rin ng paramihan ng miyembro ng pamilya, lalo na sa mga probinsya kung kaya nagiging personalan ang pagtingin nila sa election na siyang ugat naman ng kaguluhan.
Umabot na sa 280 katao ang naaresto ng PNP simula ng ipatupad ang gun ban.
- Latest
- Trending