IIRC report aprub na ni P-Noy

MANILA, Philippines - Aprubado na ni Pre­sidente Noynoy Aquino ang resulta ng ginawang pag­repaso ng Palace legal team sa rekomendasyon ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) sa August 23 hostage incident. Ito ang ini­hayag sa Pilipino Star Ngayon ng isang ma­ pana­naligang source mula Malacañang na tumang­ging magpabanggit ng pangalan.

Inaasahang pormal na ihahayag ngayon ng Pa­ngulo ang pinal na bersyon ng IRRC report pati na ang mga taong papanagutin sa madugong Manila Hostage Crisis.

Makaraang matang­gap mula kay Justice Secretary Leila de Lima ang IIRC report noong kalagit­naan ng Setyembre, agad na iniatas ni Pangulong Aquino sa mga abogado ng Malakanyang ang legal na pagrepaso rito.

Ang Palace legal review ay magkatuwang na pinamunuan nina Chief Presidential Legal Counsel Eduardo V. de Mesa at Exe­cutive Secretary Pa­quito N. Ochoa, Jr.

Bago ang opisyal na paghahayag ngayong araw ng Punong Ehekutibo sa nilalaman ng ginawang pagrepaso ng legal team ay kumalat na muna sa iba’t ibang media outfit ang isang bersiyon na iniha­hambing sa orihinal na IIRC report.

Layunin ng mga ulat sa mga pahayagan at telebi­syon na alamin kung ang nilalaman ba ng legal review nina de Mesa at Ochoa ay tumutugma sa orihinal na ginawa ni de Lima.

Ayon sa Palasyo, ang legal review na napasa­kamay ng ilang media outfit ay ang naunang ber­siyon na ipinasa nina de Mesa at Ochoa subalit hindi naging kuntento rito ang Pangulong Aquino kung kaya pinabago uli ito.

Narito ang bersiyon na ihahayag ni Pangulong Aquino anumang oras ngayong araw na nagmula sa isang Palace insider na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil hindi siya otorisadong magsalita hinggil sa isyu:

Manila Mayor Alfredo Lim: Kasong administrabo ang isasampang kaso at hindi ipagpapatuloy ang kasong kriminal.

DILG Undersecretary Rico Puno: Walang haha­ra­ping anumang kaso, ma­ ging ito man ay adminis­tratibo o kriminal. Tinanggal ang kasong administratibo.

Dating PNP chief Jesus Verzosa at Manila Vice-Mayor Isko Moreno: Tinanggal ang mga inire­komendadong asunto laban sa dalawa.

Ombudsman Mer­ce­ditas Gutierrez: Ipapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kopya ng Palace legal review para makapagsagawa ng im­bes­tigasyon at matukoy kung ano ang nararapat na parusa.

Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III: Ma­sa­­sampahan ng kasong ad­ministratibo.

SPO2 Gregorio Men­doza: Masasampahan ng kasong administratibo at inaatasan din ang MPD para magsagawa ng pa­unang imbestigasyon ka­ugnay ng kasong illegal possesion of firearms at para mabatid kung kasab­wat sa hostage-taking.

Ayon sa source, hindi binago ng legal team ang inirekomenda ng IIRC laban sa mga sumusunod: Manila Police District (MPD) chief Superintendent Rodolfo Magtibay; National Capital Region Police Office chief Director Leocadio Santiago; Superintendent Orlando Yebra, chief negotiator; at Chief Inspector Santiago Pas­cual, hepe ng MPD Special Weapons and Tactics team.

Idinagdag pa ng source na nagdesisyon ang legal na team na hahayaan na lamang nila na ang Kapi­sanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang magbigay ng karampatang parusa kina Radyo Mo Nationwide (RMN) anchors Michael Rogas at Erwin Tulfo at pati na rin sa mga istasyon ng TV na ABS-CBN, GMA-7, at TV5.

Noong Setyembre, nag­ sagawa ng sunod-sunod na pagdinig ang IIRC para mabatid kung sino-sino ang dapat na asuntuhin kaugnay ng palpak na paghawak sa hostage crisis na nagre­sulta sa pagka­matay ng walong turistang taga-Hong Kong at mis­mong hostage-taker na si Ro­lando Mendoza, isang pulis na nadispatsa dahil sa bintang ng katiwalian

Show comments