Mercy nakahanap ng kakampi
MANILA, Philippines - Nakahanap ng kakamping kongresista si Chief Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Kongreso.
Sinabi ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo, na hindi dapat binigyan ng merito ng House Committee on Justice ang dalawang isinampang impeachment complaints laban kay Gutierrez dahil ito daw ay labag sa Konstitusyon kung saan nakasaad na walang impeachment proceedings ang maaaring ikasa nang dalawang beses sa parehong opisyal sa loob ng isang taon.
Kamakailan sinabi ni Gutierrez sa Supreme Court na ni-railroad umano ang kanyang kaso at pinagkaitan pa siya ng due process.
Hiniling na nina dating SC Associate Justice Serafin Cuevas at Atty. Anacleto Diaz, legal counsels ni Gutierrez, na ipawalang-bisa ang mga resolusyon ng Committee on Justice na nagdedeklara sa dalawang reklamo ng pagpapatalsik ng Ombudsman na ‘sufficient in form and substance’.
Hirit pa ni Gutierrez, dapat magbitiw o mag-inhibit si House Justice Committee Chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. sa paghawak sa kaso dahil nakasuhan ng Office of the Ombudsman ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang ama nitong si dating Iloilo governor Niel Tupas Sr. dahil sa ma-anomalyang konstruksiyon ng Iloilo airport.
Samantala, tuloy ang impeachment complaints laban kay Gutierrez sa Nobyembre sa pagbubukas muli ng Kongreso.
- Latest
- Trending