^

Bansa

P-Noy umiwas sa hiwalayan kay Shalani

- Ni Rudy Andal -

ISABELA, Philippines – Tumanggi si Pangulong Noynoy na kumpirmahin ang napapabalitang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad.

Sinabi ni Aquino sa chance interview matapos dumalo sa 7th Philippine Corn Congress sa Reina Mercedez, Isabela na ayaw na niyang isapubliko pa ang kanyang private life.

“Yung private life ko akin na yun siguro,” wika ng Pangulo ng tanungin siya ng mga reporters kaugnay sa tsismis na hiwalay na sila ng kasintahang si Shalani.

Hindi nagpakita kamakalawa sa ulat sa bayan ni P-Noy ang girlfriend na si Shalani na ginanap sa La Consolacion College sa Maynila. Huling nagpakita sa publiko na magkasama ang Pangulo at nobya nito noong street party ng kanyang inaugural na ginanap sa Quezon Circle.

Napaulat na hiwalay na ang dalawa dahil sa kawalan ng oras sa isa’t isa at sinasabing palagi raw nakikitang magkasama ngayon sina Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian at Soledad kahit sa mga mall.

Mariing itinanggi naman ng kampo ni Mayor Gatchalian ang tsismis na may relasyon sila ng girlfriend ng Pangulo.

Ayon kay Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, nakakabatang kapatid ng alkalde, ang tanging relasyon nina Mayor Win at Councilor Shalani ay ‘professional’ bilang kapwa lingkod-bayan ng Valenzuela at walang romantic relationship.

vuukle comment

COUNCILOR SHALANI

LA CONSOLACION COLLEGE

MAYOR GATCHALIAN

MAYOR WIN

PANGULO

PANGULONG NOYNOY

PHILIPPINE CORN CONGRESS

QUEZON CIRCLE

REINA MERCEDEZ

REX GATCHALIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with