P-Noy, GF hiwalay na?

MANILA, Philippines - Kumalat na ang balitang hiwalay na sina Pangulong Benigno Aquino III at kasintahan nitong si Valenzuel City Councilor Shalani Soledad.

Kumalat din sa facebook na nakikipag-date na si Coun. Shalani kay Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.

Ayon sa source, ang kawalan ng oras nina Pangulong Aquino at Coun. Soledad sa isa’t isa ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Mariing itinanggi naman ni Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian, nakababatang kapatid ni Mayor Gatchalian, ang tsismis.

Sinabi ni Rep. Gatchalian, walang katotohanan ang tsismis na sina Mayor Win at Coun. Shalani na ang magkasintahan.

Hindi nagpakita si Shalani sa ulat sa bayan ni P-Noy kahapon pero naroroon naman si Mayor Gatchalian.

Sinabi din sa facebook na madalas na daw makita sa mall sina Mayor Gatchalian at Shalani na magkahawak-kamay sa paglalakad.

Show comments