Oct. 25 idineklarang special holiday

MANILA, Philippines - Idiniklera ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon bilang special non-working holiday ang Oktubre 25 upang makaboto sa darating na Sangguniang Kabataan (SK) at barangay elections.

Ipinalabas kahapon ng Malacañang ang Proclamation no. 48 na nagdedeklarang special non-working holiday sa buong bansa sa Oktubre 25 na pirmado ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Ayon sa kautusan ni Pangulong Aquino, idineklarang holiday ang Okt. 25 upang magkaroon ng pagkakataon ang taumbayan na gamitin ang kanilang karapatang bumoto para sa barangay at SK elections.

Show comments