World record target ng 10-10-10 Run for Pasig River
MANILA, Philippines - Maglalaan ang mga kumpanya ng bus ng 100 unit ng kanilang mga sasakyan upang magbigay ng libreng sakay sa mga registered runners para sa 10-10-10 Run for Pasig River na inorganisa ng ABS-CBN Foundation’s Kapit Bisig para sa Ilog Pasig na gagawin sa Oktubre 10, 2010.
Lumagda sa isang kasunduan sina Ms. Gina Lopez ng ABS-CBN Foundation at Claire dela Fuente ng Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA) upang mapormalisa ang pagtutulungan ng mga bus companies at naturang foundation para sa matagumpay na okasyon.
Layon din ng “Takbo” na makapasok sa Guinness Book of World Records kung saan target ang 120,000 runners para sa 3k, 5k at 10k na inaasahan namang lilikom ng pondo para sa paglilinis ng ilog Pasig.
Ang free bus service ay magsasakay sa mga runners mula MRT Taft station para sa 3K na magmumula sa SM Mall of Asia, at MRT Taft Station para sa 5K mula sa CCP complex.
Makaraan ang Takbo, ang mga bus operators ay nangakong magsasakay muli ng libre sa mga runners pabalik sa pinagmulang destinasyon.
Pinasalamatan naman ni Lopez ang mga bus company sa matinding pagtulong sa kanilang kampanya para malinis ng tuluyan ang Pasig River.
- Latest
- Trending