^

Bansa

Mahistrado, huwes giit i-exempt sa gun ban

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hihilingin ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa Commission on Elections (Comelec) na ma-exempt ang mga huwes at mahistrado sa ipinapatupad na gun ban bilang paghahanda sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ang kahilingan ay bunsod na rin ng pagkakapaslang kay Presiding Judge Reynaldo Lacasandile ng Vigan City, Ilocos Sur Regional Trial Court Branch 20.

Ito na umano ang pangalawang pagkakataon na ang isang walang kalaban-laban na huwes ay patayin habang ipinapatupad ang gun ban.

Si Lacasandile ang ikalawang miyembro ng hudikatura na napatay sa hilagang Luzon at siya rin ang ika-21 judge na nasawi simula noong 1999.

Noong nakalipas na buwan ng Mayo ay pinatay din si Judge Andres Cipriano ng bayan ng Aparri, Cagayan.

APARRI

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COMELEC

ILOCOS SUR REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JUDGE ANDRES CIPRIANO

PRESIDING JUDGE REYNALDO LACASANDILE

SANGGUNIANG KABATAAN

SI LACASANDILE

SUPREME COURT

VIGAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with