SSS assets sinimulang ibenta
MANILA, Philippines - SInimulan nang ibenta ng Social Security System (SSS) ang 660 acquired properties sa housing fair ng ahensiya na nagsimula noong October 1.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros Jr., payag silang tumanggap ng affordable five percent down payment para sa SSS’ houses and lots na kanilang binebenta sa halagang P90,000 sa kanilang Housing Fair 2010 sa SM Megamall sa Mandaluyong City.
Ang SSS ay nagkakaloob ng mababang annual interest rates na 6 percent para sa house and lots na may halagang P500,000 at mas mababa pa at 9 percent sa mga properties na mas mataas dito ang halaga. Magbibigay naman ang SSS ng 10 % sa mga buyers na magbabayad ng cash. Kabilang sa SSS assets ang mga foreclosed properties.
Nilinaw din ni de Quiros na payag din ang SSS sa maximum payment term na 10 taon at ang buyers ay maaaring magbayad hanggang makaabot ito ng 70-anyos.
Ang housing fair na may temang “Gaganda ang Buhay sa Sariling Bahay” ay naka-feature din ang mga properties ng ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Housing and Urban Development Coordinating Council, National Housing Authority, Home Development Mutual Fund, Government Service Insurance System, Bangko Sentral ng Pilipinas at SSS.
- Latest
- Trending