Tourism Month ipinagdiwang sa Caloocan

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residente na makisaya at makipag­tulungan sa ginaganap na tourism month na layuning ma­ kaakit ng mga turistang pumapasok sa nasabing lungsod.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pag­kakaroon ng drill competition kung saan ay nagpasikat ang mga banda na nagmula sa Caloocan, Malabon at Valenzuela. Nagpakitang gilas din ang mga martial arts practitioners habang nagbigay din ng kasiyahan ang isang grupo ng ati-atihan na kasamang nag-ikot sa ilang lugar sa Caloocan City kasama ng iba pang banda.

Ayon kay Echiverri, mahalaga na mapalakas ang turismo sa kanyang pinamamahalaang lungsod dahil sa pamamagitan nito ay makikita ang kasiglahan sa isang lugar na siyang hinahanap ng mga negosyante sa kanilang pagtatayo ng negosyo. Nagbigay din ng libreng puwesto sa mga barangay na gumagawa ng kanilang sari­ling produkto nang sa gayon ay maipakita at maipag­malaki ito sa mga dumadayong turista sa lungsod. 

Show comments