^

Bansa

Matinding lungkot ng OFW dahilan ng 'textmate', pangangaliwa - CBCP

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ang matinding kalungkutan ng mga overseas Filipino workers ang pa­ngunahing dahilan kaya nagkakaroon ng ‘textmate’ na humahantong sa pa­ngangaliwa.

Naniniwala si Fr. Edwin Corros, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, na ang sobrang kalungkutan ang nilalabanan ng mga OFW habang nasa ibang bansa.

Bagama’t karaniwan lamang ang mga textmate upang magkaroon ng kaibigan, sinabi ni Corros na ito naman ang nagiging sagabal upang hindi na mapatatag pa ng isang OFW ang kanyang relasyon sa kanyang naiwang pamilya.

Aniya, mas dapat ding may disiplina at control ang isang OFW at ituon sa kanyang pagta-trabaho ang kanyang atensiyon upang makaiwas sa anumang tukso.

Sinabi ni Corros na mas dapat na maging tuluy-tuloy ang komunikasyon ng OFWs sa kanyang pamilya upang magsilbing inspirasyon sa pagtatrabaho.

Giit ng ECMI, mariin nilang tinututulan ang pag-a-abroad dahil mas nagi­ging dahilan ito ng pagkakawatak-watak ng bawat pamilya bagama’t nais lamang na maiahon ang kanilang buhay mula sa kahirapan.

ANIYA

BAGAMA

CORROS

EDWIN CORROS

EPISCOPAL COMMISSION

GIIT

KANYANG

MIGRANT AND ITINERANT PEOPLE

NANINIWALA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with