Low pressure palayo na
MANILA, Philippines - Pinapayuhan pa rin ang mga mamamayan na patuloy na magdala ng pananggalang sa ulan tulad ng payong at kapote.
Ayon sa PAGASA, bagama’t unti-unti ng lumalayo sa bansa ang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) na nagdulot ng matinding pag-ulan sa Metro Manila at Southern Luzon, makakaranas pa rin ng pagbuhos ng ulan ang maraming lugar sa bansa hanggang sa susunod na linggo.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 130 km Kanluran Timog-Kanluran ng Subic Zambales.
Ito ay nakapaloob sa Intertropical convergence Zone (ITCZ) na nakaka-apekto sa Southern Luzon at Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na 30 km kada oras at kumikilos sa pakanluran sa bilis ng 20 km bawat oras.
- Latest
- Trending