^

Bansa

Ex-mayor Tinga sabit sa tampered ballot boxes?

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sinimulan nang selyuhan ang mga ballot boxes sa Taguig City Hall Auditorium kahapon bilang bahagi ng seguridad bago gumulong ang mga protesta at kasuhan sa nakaraang eleksiyon sa naturang lungsod.

Kabilang sa ebidensiyang gagamitin umano ng kampo ni Taguig City Mayor Maria Laarni Cayetano ay ang ginawang paglipat ng mga ballot boxes ng walang abiso kung saan natuklasan na marami umano sa mga kahon ay wala nang kandado, hindi na maayos o hindi na selyado.

Sinasabing nailipat ang mga ballot boxes mula sa City Hall grounds tungo sa auditorium sa pamamagitan ng noo’y acting City Treasu­rer Teresita Elias. Pinalayas din umano ang mga watchers ng kampo ni Cayetano at naiwan sa kamay ng mga tao ng mga Tinga ang mga kahon ng balota.

Kabilang sa mga kahon ng balota na wala nang kandado ay ang mga sumusunod: ballot box 102, 98, 99, 38, 46, 51, 123, at 53.”

Sa kasalukuyan, ilan sa mga naisampang reklamo laban sa mga Tinga at kanilang mga kaalyado ay pamimili ng boto, paghakot sa mga botante sa malalaking lugar sa gabi bago ang mismong araw ng eleksyon, paggamit ng asul at dilaw na ribbon ng mga tauhan at tagasuporta ng mga Tinga, pagpapasingit at pag-antala sa pila ng kanilang mga tagasuporta, harassment, pananakot, at iba pa.

Samantala, ang reklamo naman laban kay Elias ay bunga ng kaniyang pag-utos sa kaniyang mga tauhan na ilipat ang mga kahon na naglalaman ng mga balota mula City Hall quadrangle papunta sa auditorium, na diumano ay isang paglabag sa kautusan ng Comelec batay sa pinagsamang kustodiya at pananagutan sa mga balota.

Nagpasalamat naman si Cayetano sa aksyon ng Comelec na i-preserve ang ballot boxes at mailagay sa record ang mga ebidensya.

CAYETANO

CITY HALL

CITY TREASU

COMELEC

KABILANG

TAGUIG CITY HALL AUDITORIUM

TAGUIG CITY MAYOR MARIA LAARNI CAYETANO

TERESITA ELIAS

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with