^

Bansa

Chavit kumasa kay Miriam

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nakahanda si Ilocos Sur Governor Chavit Singson na kasahan ang hamon ni Sen. Miriam Defensor Santiago na “sabunutan” at debate. Gayunman, sinabi ni Singson na magpapakabakla muna siya bago tugunin ang hamon ng Senadora at kailangang may magre-referee na psychiatrist.

“Maglaladlad muna ako at kailangang may mag-referee sa aming psychiatrist bago ko siya patulan sa kanyang mga hamon,” bahagi ng tugon ni Singson sa hamon ng senadora.

Sinabi pa ni Chavit na dahil pinalitan ni Miriam ang kanyang pangalan sa Senado nang tawaging ‘Sabit Singson’ ay papalitan din niya ang pangalan ni Miriam na “Brenda.”

“Pinalitan nya ang pangalan ko sa Senado ng ‘Sabit Singson”, papalitan ko din ang pangalan niya ng ‘Miriam-Brenda’,” wika ni Chavit.”

Nagpahayag din si Singson ng kahandaang harapin si Miriam sa anumang ha­mon nito kasabay ang pahayag na bago mag-akusa ay tingnan nito ng mabuti ang sarili bago magsalita nang walang kaukulang ebidensiya.

“Mas mabuting tingnan muna ni Miriam ang sarili bago magsalita at mag-akusa ng walang ebidensiya,” hirit pa ni Singson.

Nagkaroon ng ‘word war’ sa pagitan nina Defensor at Singson matapos ibunyag ng senadora sa kaniyang privilege speech na operator umano ng jueteng sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang gobernador.

Matatandaan na si­nampahan ni Singson ng kasong graft si Santiago sa Office of the Ombudsman dahil inaabuso umano nito ang kaniyang parliamentary immunity.

Nauna nang hinamon ni Santiago na mag-duwelo sila ni Singson pero labag naman umano ito sa penal code.

CHAVIT

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOVERNOR CHAVIT SINGSON

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SABIT SINGSON

SENADO

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with