NBI pinakilos sa gang rape ng nurse

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon  ni Justice Secretary Leila De Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan na rin ang pag-gang rape sa isang 21 anyos na nurse sa South Upi, Maguindanao.

Ayon kay de Lima, sa ngayon ay may mga pa­ngalan na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng mga suspek sa krimen kung saan ilan sa mga ito ay konektado sa mga ma­kapangyarihang pa­milya sa Maguindanao.

Subalit tumanggi muna ang kalihim na pangalanan ang mga suspek.

Una ng naaresto ng pulisya ang anim na sus­pek sa krimen subalit may mga nananatili pa ring malaya hanggang ngayon.

Ang biktima ay bolun­taryong nagtatrabaho sa nasabing lalawigan sa ilalim ng Nurses Assistance for Rural Services o Nars program ng pama­halaan.

Show comments