NBI pinakilos sa gang rape ng nurse
MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Justice Secretary Leila De Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan na rin ang pag-gang rape sa isang 21 anyos na nurse sa South Upi, Maguindanao.
Ayon kay de Lima, sa ngayon ay may mga pangalan na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng mga suspek sa krimen kung saan ilan sa mga ito ay konektado sa mga makapangyarihang pamilya sa Maguindanao.
Subalit tumanggi muna ang kalihim na pangalanan ang mga suspek.
Una ng naaresto ng pulisya ang anim na suspek sa krimen subalit may mga nananatili pa ring malaya hanggang ngayon.
Ang biktima ay boluntaryong nagtatrabaho sa nasabing lalawigan sa ilalim ng Nurses Assistance for Rural Services o Nars program ng pamahalaan.
- Latest
- Trending