^

Bansa

Miriam kay Chavit: 'Sabunutan na lang!'

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dahil parang babae umano si Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na hindi tumitigil sa pag­sasalita, hinamon ito kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na magsabunutan na lamang silang dalawa.

“Ano ba namang kabalbalan..kalalaking tao parang babae, dakdak ng dakdak. Gusto niya (Singson) magsabunutan na lamang kami,” sabi ni Santiago sa panayam ng DZBB.

Nauna nang hinamon ni Santiago na mag-duwelo sila ni Singson pero labag naman umano ito sa penal code.

Nagkaroon ng ‘word war’ sa pagitan nina Defensor at Singson matapos ibunyag ng senadora sa kaniyang privilege speech na operator ng jueteng sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang gobernador.

Wala na umanong magagawa si Santiago kung patuloy na tatanggi si Singson na makipag-debate sa kaniya pero hindi umano dapat gumawa ng istorya ang gobernador katulad nang graft and corruption at diumano’y pagpatay niya sa nag-suicide niyang anak.

Sinabi pa ni Santiago na kung hindi matanggap ni Singson ang parliamentary immunity ng mga se­nador ay dapat “sumakabilang-buhay” na umano ang gobernador at  makipagdebate sa mga sumulat ng Konstitusyon na pawang mga namayapa na.

Posible umanong naiinggit si Singson dahil sa parliamentary immunity ng mga senador na hindi maa­aring kasuhan dahil sa ginagawa nilang pagbubunyag sa kanilang mga privilege speech.

“Ano bang natapos nitong chavit singson? Nakatapos ba ng college yon? Nagagalit...Ang parliamentary immunity eksaktong inilagay sa Batasang Pam­bansa para ang senador libre na magsabi ng katotohahan na hindi siya takot na kasuhan kaliwa’t kanan. Exactly that’s the purpose of parliamentary immunity...Why is he complaining?” sabi ng senadora.

ANO

BATASANG PAM

CHAVIT

DAHIL

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

KONSTITUSYON

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with