Basura sa Laguna de Bay lumalala
MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga residente ng Southpeak sa San Pedro, Laguna na tuluyang malalason ang Laguna de Bay kapag hindi napigil ng lokal na pamahalaan ang pagtatapon ng tone-toneladang basura sa dumpsite na matatagpuan sa lugar.
Tinatayang anim na kilometro lamang ang lapit ng dumpsite sa dalampasigan ng Laguna de Bay kung saan dumadaloy ang nakalalasong katas ng basura at iba pang polusyon sa Laguna de Bay dahil sa Tunasan River nagsisimula sa mababang bahagi ng basurahan.
Aabot sa 70 porsiyento ng mga isdang ibinebenta sa mga lokal na palengke sa Metro Manila ay nagmula sa Laguna de Bay
“Ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na inatasan ng DENR (Department of Environment and Natural Resources) para protektahan ang Laguna de Bay ay parang nagsasawalang-kibo at hindi iniintindi ang matinding panganib na dulot nito,” pahayag ang mga residente
Karamihan sa mga taga-Southpeak ang nag-iisip kung may kinalaman ba dito si San Pedro Mayor Calixto R. Cataquiz dahil sa kabila ng kanilang pagtutol ay patuloy pa rin ang operasyon ng dumpsite.
- Latest
- Trending