Fixed income sa bus drivers

MANILA, Philippines - Naghain ng panukalang batas sina Bayan Muna Rep.Teddy Casino at Anak-pawis Rep. Rafael Mariano na magbibigay ng malaking solusyon sa problema sa mga trapiko at mga aksidente na kinasasangkutan ng mga dambuhalang bus na tumatakbo sa mga pangunahing lansangan sa bansa.

Ang House Bill 3370, na may titulong “Bus Drivers and Conductors Compensation Act” ay naglalayon sa mga public utility bus operators na bigyan ng fixed income at tamang oras sa trabaho ang mga bus drayber at operators para maiwasan ang gulangan sa kalye sa pag-uunahan ng pagkuha ng mga pasahero sa kalye.

Napag-alamang may 9% para sa drayber ng bus at 7% sa konduktor nito mula sa kabuuan kita ng kanilang pang-araw-araw na biyahe.

Gayunman, binibigyan ito ng mga bonus kung matataasan nila ang kita sa nasabing araw kaya naman grabe magpatakbo ang mga bus sa kalye at kung kumuha naman ng pasahero ay nag-uunahan at nakabalandra pa ang iba para huwag silang masingitan ng mga sumusunod sa kanila na isa sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng grabeng trapiko sa lansangan lalo na sa EDSA.

Show comments