MANILA, Philippines - Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng checkpoint sa lahat ng dako ng bansa para matiyak ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan alinsunod sa ipinapatupad ng gun ban ng Commission on Elections kaugnay ng Brgy. at SK elections sa Oktubre 25.
Ayon kay Senior Supt. Agrimero Cruz Jr, tagapagsalita ng PNP, dahil sa agresibong pagpapatupad ng checkpoint, lima katao na ang nadakip ng kanilang hanay simula ng gawin ito noong Biyernes sa pangunguna ni PNP chief director General Raul Bacalzo.
Sinabi ng opisyal, nais matiyak ng PNP chief na ginagawa ng lahat ng opisyales ng pulisya sa buong Metro Manila at rehiyon ang kanilang tungkulin alinsunod sa ipinag-uutos ng komisyon.