Anibersaryo ng bagyong Ondoy ginunita
MANILA, Philippines - Ginunita kahapon ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan ang anibersaryo ng trahedya na idinulot ng bagyong Ondoy na kumitil ng higit sa 300 buhay at nagwasak ng bilyong ari-arian sa Metro Manila at karatig lalawigan ng Rizal.
Sa Marikina City, pinangunahan ni Mayor Del de Guzman ang isang “requiem mass” na pinamahalaan nina Antipolo Bishop Francisco de Leon, Monsignor Ramirez at dalawa pang Tsinong pari para sa lahat ng nasawi sa trahedya. Kasunod ito ng isang “fluvial parade” sa Marikina at Tumana River dala ang patron nilang “Our Lady of the Abandoned” sa paniwalang hindi na mauulit ang naturang trahedya sa kanilang lungsod.
Naniniwala si de Guzman na ang Marikina City ang pinakamalalang tinamaan ni Ondoy dahil sa pag-apaw ng tubig sa kanilang mga ilog kung saan umabot sa ikalawang palapag ng mga bahay ang tubig baha partikular na sa Provident Village at sa bisinidad ng Tumana River kung saan naapektuhan ang nasa 200,000 katao. Nakapagtala ng 23 metro ang tubig-baha sa lungsod na siyang pinakamatas sa kasaysayan kung saan 70% ng lungsod ang nabalot ng tubig.
Nasa 300,000 katao ang naapektuhan sa lungsod, nasa 1,652 ang tinamaan na nagdulot ng paglamya sa industriya ng sapatos.
Ngayong Lunes ay magsasagawa ng sariling misa ang MMDA na pangungunahan ni Manila Archbishop Gaudencio Rosales para sa lahat ng biktima ng Ondoy at pasasalamat sa libo-libong volunteers na tumulong sa “rescue operations” at paglilinis ng kamaynilaan noong nakaraang taon.
- Latest
- Trending